4 At sinabi nila, Ipinahintulot ni Moises na ilagda ang kasulatan sa paghihiwalay, at ihiwalay siya. 5 Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Dahil sa katigasan ng inyong puso ay inilagda niya ang utos na ito. 6 Nguni't buhat nang pasimula ng paglalang, Lalake at babaing ginawa niya sila. 7 Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; 8 At ang dalawa ay magiging isang laman; kaya hindi na sila dalawa, kundi isang laman. 9 Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao.
publicidade