1 Ang mga kawikaan ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel: 2 Upang umalam ng karunungan at turo; upang bulayin ang mga salita ng pagkaunawa; 3 Upang tumanggap ng turo sa pantas na paguugali, sa katuwiran, at kahatulan, at karampatan; 4 Upang magbigay ng katalinuhan sa musmos. Kaalaman at pagbubulay sa kabataan: 5 Upang marinig ng pantas, at lumago sa ikatututo: at upang tamuhin ng taong may unawa ang magagaling na payo: 6 Upang umunawa ng kawikaan at ng kahulugan; ng mga salita ng pantas, at ng kanilang malalabong sabi.
publicidade