publicidade

Provérbios 4

1 Dinggin ninyo, mga anak ko, ang turo ng ama, at makinig kayo upang matuto ng kaunawaan: 2 Sapagka't bibigyan ko kayo ng mabuting aral; huwag ninyong bayaan ang aking kautusan. 3 Sapagka't ako'y anak sa aking ama, malumanay at bugtong sa paningin ng aking ina. 4 At tinuruan niya ako, at nagsabi sa akin: Pigilan ng iyong puso ang aking mga salita; ingatan mo ang aking mga utos, at mabuhay ka: 5 Magtamo ka ng karunungan, magtamo ka ng kaunawaan; huwag mong kalimutan, ni humiwalay man sa mga salita ng aking bibig: 6 Huwag mo siyang pabayaan at iingatan ka niya; ibigin mo siya at iingatan ka niya.

publicidade