48 Akin namang itataas ang aking mga kamay sa iyong mga utos, na aking inibig; at ako'y magbubulay sa iyong mga palatuntunan. 49 Iyong alalahanin ang salita sa iyong lingkod, na doo'y iyong pinaasa ako. 50 Ito'y aking kaaliwan sa aking pagkapighati: sapagka't binuhay ako ng iyong salita. 51 Ang palalo ay dumuwahaging mainam sa akin: gayon ma'y hindi ako hihiwalay sa iyong kautusan. 52 Aking inalaala ang mga kahatulan mo ng una, Oh Panginoon, at ako'y nagaliw sa sarili.
publicidade